untitled

                                                  Balitang Bayan

 

Ang Makabagong E-Jeepney sa Makati
 

Ang kauna-unahang electric-powered jeepneys ay pinatakbo sa Makati noong Biyernes.

Ang sasakyan, na nagkakasya ng 10-12 pasahero, ay ginawa ng "Greenpeace" at gobyerno ng Makati at tinustusan naman ng Green Renewable Independent power Producer Inc (GRIPP). Ito ay pinapatakbo ng five-horsepower electric motor engines na may 12 batteries, at kayang takbuhin ang 120 - 140 kilometro, sa bilis na 40kph. Umaabot ng 8 oras para  i-fully charged ang mga batteries na ito.

Bawat e-jeepney ay nagkakahalaga ng di bababa sa P400,000, mas mahal ng mga P100,000 kaysa sa mga regular na jeepneys.

Ayon sa Solar Electric Company Inc (Solarco), nasa 50 e-jeepneys ang ilalabas bilang pagtulong na mabawasan ang paparumi nang paparumi nating hangin sa Pilipinas, at para mapigilan ang sinasabi nilang "climate change".. Ang iba ay ilalabas sa Bacolod City bago magtapos ang buwang ito.

Ang galing talaga ng Pinoy at naisipan nilang gumawa ng ganitong klaseng sasakyan.

Pag ito naging popular at ito na lang ang tatangkilikin ng mga tao, baka naman magreklamo ang mga gas companies, di kaya?


Report Content · · Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com