untitled

                                                  Balitang Bayan

 

10 Mga Bagong Senador, Iprinoklama
 

Iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) ang mga sampu Senador noong June 06, 2007. Kabilang dito ang dalawang dating Senador at tatlong papaalis na Congressman. At sa mga sampung ito, anim ay galing sa oposisyon, na malamang magdadala ng problema sa nalalabing tatlong taong pamamahala ni President GMA.

Ang mga bumabalik na Senador ay sina Loren Legarda ng Genuine Opposition (GO) at Gregorio Honasan, Independent at ang tatlong papaalis na Congressman naman ay sina Francis Escudero, Benigno "Noynoy" Aquino III, at Alan Peter Cayetano,  lahat kandidato ng GO.

Ang lima pang nanalo ay sina Panfilo Lacson ng GO, Manuel Villar, Jr. ng GO, Edgardo Angara ng Team Unity (TU), Joker Arroyo ng TU, at Francis Pangilinan, Independent.

Sa di malamang kadahilanan, hindi nakadalo sa proclamation rites si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, na ginanap sa Philippine Internation Convention Center (PICC) kung saan din ginanap ang national canvassing ng mga boto. Karamihan sa mga nanalo ay mga kritiko ng Presidente.

Manunungkulan ang mga bagong Senador hanggang June 30, 2013.

 


Report Content · · Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com