untitled

                                                      Balitang OFW                                                             

 

Pinoy sa Dubai, Instant Millionaire

 

Isang empleyadong Pinoy na nakabase sa Dubai ang naging instant millionaire pagkatapos nyang manalo sa "Postcard Millionaire Campaign" na inorganisa ng Central Post Office sa Al Ain, United Arab Emirates, ayon sa online newspaper Khaleej Times noong Sabado, July 28, 2007.

Ang maswerte nating kababayan, na kinilala lamang sa pangalang Marjoe, ay isang assistant shift leader sa isang kompanya sa Dubai. Ito ang pang-41 na raffle draw ng nasabing campaign.

Sa pangatlong edition ng Postcard Millionaire Campaign, ang buong mamamayan ng UAE, residente o hindi, ay may tsansang manalo ng Dh30 million (Php373.59 million) sa kabuuan.

Ang mga participants ay pwedeng sumali sa weekly raffle na may Dh100,000 cash prize o kaya'y sa quarterly draw na may Dh200,000 cash prize.

 


Report Content · · Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com